Mali

Bakit pakiramdam ko’y mali?
Hindi ba’t ito ang hiniling ko?
Hindi ba dapat na matuwa pa ako?
Pero hindi, ngayon ako pa ang sawi

Hindi pala nasusukat sa taas ng anong bakod
Hindi pala natatantsa ng unti-unting pag-usod
Wala pala iyon sa pagka-bantay sarado
Hindi mo mapipigilan ang pusong pursigido

Kahit naman hindi mo aminin
Ni anong pahiwatig hindi mo man sabihin
‘Pagkat ang bulaklak nakakaakit ng bubuyog
Iiyak ko na lang sa tuwing bago ako matulog

At ikaw naman, alam kong hindi mo malalaman
Kung ano mang sakit ang aking nararamdaman
Sapagkat ang bulaklak at tinik, bagama’t nasa parehong tangkay
Ang bulaklak lang – at hindi tinik – ang siyang tinatangay

likha ni al

Advertisements

Author: Albert Centeno Lirio

News Editor/Columnist I also rant on Twitter! @albertlirio

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s